Tuesday, March 29, 2011

Work from Home. Earn $2000/month. No Investment. Part Time, 1-2h/day.

Earn $1500-2500 per month from home. No marketing / No MLM .
We are offering a rare Job opportunity where you can earn working from home using your computer and the Internet part-time. Qualifications required are Typing on the Computer only. You can even work from a Cyber Café or your office PC, if so required. These part time jobs require working for only 1-2 hours/day to easily fetch you $1500-2500 per month. Online jobs, Part time jobs. Work at home jobs. Dedicated workers make much more as the earning potential is unlimited. No previous experience is required, full training provided. Anyone in any country can apply. Please Visit http://www.earnparttimejobs.com/index.php?id=3278283

Monday, March 7, 2011

Love, Hate, and Responsibilities

Ang daming gumugulo sa isip ko, so, naisip ko na dapat isulat ito. Let's start from last year. 

LOVE:

Kakamove on ko lang sa past relationship ko(If that was one, hmm, i guess yes it was one HELL of a relationship although sa text lang at hindi clear kung anong meron saming dalawa. But I'm not here to write about it.) Then came this guy who suddenly added me as a friend in facebook. Common friend namin yung close friend/classmate  ko ngayong college. Tapos nagchat kami, and soon he asked for my number, by that time nakapost sa Info ko sa FB yung number ko, but with the last 2 digits replaced with asterisk. So, sinabi ko sa kanya na nasa info ko yung num, and I'll just let him guess the last 2 digits. It ended up with me, giving the numbers, parang binigay ko na rin ung number ko talaga. STUPID. That was in the middle of January.

Then, naging frequent na yung texting namin. By February, nagkaroon ng usapan ng meet up, I even suggested na magmeet kami after ng reception sa wedding nila kuya. Pero, hindi natuloy, next week na lang raw. Pupunta raw siya sa bahay, pero hindi niya alam kung saan ang bahay namin, hindi niya raw alam ang Tandang Sora. Kaya, sinuggest ko na lang namagmeet kami sa Cubao/Gateway. Buti na lang may kaklase/friend na malapit lang ang bahay dito. FEB 27, 2010 (Saturday) pumunta siya dito sa bahay kasama ang kaibigan niya. He brought Donuts, I cooked Baked Mac.

Hindi ko alam kung kelan, pero nagsimula siyang manligaw sakin. Bago pa ata nung pumunta dito sa bahay. I didn't notice na nasasanay na kong kausap siya, text man o tawag. OJT namin, ang daming choices pero nag-apply ako dun sa malayo sa PNB, marami rin namang dahilan. Dahil may mga kasama akong kaibigan dun. At dun rin kami nakapasok kagad, kelangan ko na rin kasi magsimula sa OJT dahil masyado ng late ang simula para sa OJT namin, kakapusin ako sa oras kung hindi pa ko makapagsimula. Pero kasama na rin siya sa dahilan kung bakit gusto ko dun, malapit kasi sa kanila.

Hindi ko rin alam kung ano ang mas nauna pero, pinilit ko pa si mama dati para magbakasyon ako sa Cavite, sa bahay ng auntie ko. Para sa dalawang dahilan na naman. Para makapagbakasyon talaga, at pangalawa para magkita kami.First night pumunta kami sa perya, tapos sumunod na pagkikita, pumunta kami ng pinsan ko sa bahay ng tita niya.Nag-iinuman sila, pero hindi kami nagtagal ng pinsan ko. Umuwi kami kagad. Usap Usap lang saglit.

May 17 ng pumunta ako sa kanila, kinabukasan ng birthday niya. Nameet ko yung nanay at kapatid niya. Pinakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya, nag-inuman sila pagkatapos, hinatid ako sa bahay.

May 22, swimming, ang paalam ko kasama ko ang mga PNB employees, outing nila. Pero ang totoo kasama ko siya, si ate lang ang nakakaalam ng totoo. Doon, marami kaming napag-usapan, Tungkol sa aming dalawa, sa kinabukasan. At hindi ko pa ba nasabi, may anak na siya, tinanong niya kung matatanggap ko raw ba yun. Ang sabi ko, oo naman. (TANGA) Hindi raw siya magiging bias kung sakaling magkaanak kaming dalawa. (Mukha niya!) At doon rin may nagselos na bakla sa akin, ang sabi, may gusto raw ang bakla sa kanya. Binato ba naman ako ng tinik ng isda?!?!

June 5 ng mangyari ang pangyayari. Nung araw na yon ko pormal ko siyang sinagot. Nung araw rin na yon, ibinigay ko na lahat. Oo na, ang tanga ko. Walang kasiguruhan ang lahat. Hindi ko inisip ng maayos ang lahat.

Lesson: Love would not make you lie. Dapat hindi mo rin susuwayin ang turo sayo ng mga magulang mo. Para rin naman sa ikabubuti mo yun. Huwag ka rin basta basta mag-a-add ng mga hindi mo kilala. Huwag ka rin magtitiwala kagad. Hindi ka mabubuhay ng mga salitang binibitawan lang.

HATE:

Pagkatapos na may mangyari sa amin, naging bihira na lang ang pagpaparamdam niya. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa nagkaroon ng misunderstanding, (MISUNDERSTANDING nga ba o nakahanap lang siya ng butas na pwede niyang malusutan? Siguro nga) nagsend kasi ako ng linya galing sa isang kanta, "I can't wait to hate you make you pain like I do." Nasasaktan na rin ako, dahil ramdam ko na ang pagbalewala sakin. Nag-sorry ako ng ilang araw, pero ayaw niyang tanggapin.  Yung baklang nagalit sakin dati, Siya pa ang tumulong sakin dati na makipag-ayos sa kanya. Pero wala rin, kung ayaw, eh di ayaw. Naghiwalay na kami pagkatapos ng ilang araw. Napapagod rin naman ako, nasasaktan.

Nung gabing naghiwalay kami, yung nakapagpabuo ng desisyon ko, nagkamali siya ng tawag sa akin. Tawagin ba naman akong "hon", eh di huli siya. Sinabi kong, hindi ako ang hon mo, si hazzel to. Tapos. Tama pala ang hinala ko, ginagago niya lang ako. Nakita ko kasi dati yung profile niya dati na in a relationship siya, tapos nakita ko yung babae. May baby, kamukha niya. Sabay tanggi na hindi raw kanya yun, at hindi na raw sila nung babaeng yun. Naniwala naman ako. Ilang beses rin naming pinagtalunan yun eh. Pero sabi niya, ipapakilala niya rin sa kin yung babae, para malinawan ako. Ngayon, oo, nalinawan na ko. Malinaw na malinaw. Mas malinaw pa sa sinag ng araw.

Sabay naman kwento sakin ng kaibigan ko na nakita niya raw yung lalakeng yun, kasama ang isang babaeng maputi. Dala pa ang bag. Magaling diba?

Pinoproblema ko pa yung pagiging delayed ko. Busy pa sa school dahil sa nalalapit na seminar. At nung mismong seminar saka ko nakumpirma, POSITIVE.

Magkahalong emosyon, takot, gulat, kaba, at tuwa. Hindi ko alam kung paano ako pupunta sa school ng hindi mahahalata ang emosyon ko. Pinilit kong itago buong araw, pinilit kong hindi makaapekto sa pagkanta ko sa program sa araw na yon, nakaya ko naman. Pero, pagkatapos ng seminar, hindi ko na napigilan at napaiyak na lang ako sa kaibigan ko.

Nakakainis kasi alam kong wala na kaming pag-asa, at lalaking walang ama ang anak ko. Naiinis ako sa sarili ko. Halo-halong emosyon. Kung anu-anong desisyon ang sumasagi sa isip ko. Pano kung lumayas na lang kaya ako? Pano ko masasabi sa mga magulang ko? Pano ang pag-aaral ko? Pano ang mga pangarap ko? Pano ang buhay ko? Pano ko siya bubuhayin? PANO KUNG MAGPAKAMATAY NA LANG AKO? Eh di tapos lahat ng problema hindi ba?

Sinabi ko rin sa lalakeng yun, pero mukhang wala siyang interes. Nagsend ako ng message sa profile niya. Kinabukasan may reply na, nagbigay ng number. Tinext ko yung number na yun para ipaalam sa kanya ang responsibilidad niya, pero hindi pala siya yun. Number yun ng syota niya. (DAMN!) Pero nakatulong rin naman yun, nakausap ko siya. Wala na raw siyang pakialam sakin at kung ano ano pang ibang masasakit na salita. Binabaliktad niya ako, at pinapalabas na malandi ako. Ang higit pa sa lahat, gusto niyang ipalaglag ang bata. Masakit, umuwi ako ng bahay ng pinipigil ang luha ko. Pagdating ko sa bahay saka ko binuhos lahat ng luha ko, nakita pa ko ni papa na  umiiyak.

Alam na nila papa at mama nun na may dinadala ako. Kaya ganun na lang ang galit ni papa ng malaman niya ang dahilan ng pag-iyak ko. Tinawagan ni papa at kinausap niya ang lalaking yun. Sinabihan na gustong makausap ang magulang niya.

Makalipas ang ilang araw, nagkita at nagkausap ang mga magulang namin. Napagkasunduan na ang mga bagay na dapat ayusin.

Oo nga, hindi na kami nagkikita at wala na kaming koneksyon. Pero matagal rin akong minulto ng mga alaala niya. Nakakainis kapag naalala mo yung mga bagay na ayaw mo maalala, kapag may nakikita o naririnig akong magpapaalala sa kanya. Nakakainis kapag napapanaginipan ko siya. Oo, napanaginipan ko siya, pero siguro, isa na rin yung bangungot para sa akin.

AYOKO NA! TAMA NA! PWEDE BA? SIGE NA?
Lubayan mo na ko at ng mga alaala mo?

RESPONSIBILITIES:

Tama, may pagkakamali nga akong nagawa. Pero gaya ng pinaniniwalaan ko, hindi maitatama ng mali, ang isa pang pagkakamali. Panindigan mo kung anong ginawa mo. At ganun na nga ang ginawa ko. Hindi ko naman masabi na pinagsisihan ko ang nangyari sa amin, dahil ibig sabihin nun parang ayaw ko sa anak ko. Masaya ako dahil andito siya. Nawala man ang isang tao, napalitan naman siya ng isa pang tao na tiyak na magmamahal sa akin. Sana nga. 

Maraming responsibilidad ang nakapatong sakin ngayon. Kung dati rati, pwede akong magpa-petix petix lang. Ngayon hindi na. Kung dati, para sa sarili lang ang iniisip ko, ngayon para sa amin na. Kung dati, nag-aaral ako para magkatrabaho ako at mabili ko ang mga gusto ko. Ngayon, para na sa kinabukasan niya. Kung dati, hindi ako nahihiyang umasa sa mga magulang ko, ngayon sobrang nahihiya na ko dahil dalawa na kaming binubuhay nila. Nahihiya ako na kelangan ko pang paalagaan ang anak ko, dahil kelangan kong umalis. Responsibilidad ko yun.

Kelangan ko rin siyang palakihin ng tama, ng hindi siya matutulad sa landas na tinahak ng tatay niya. O kahit ng landas na tinahak ko.

Sana kayanin ko. Kakayanin ko to, dahil para samin to. Dahil para sa kanya ito.